NAGPAHINGA SILA SAGLIT At ngayon ay nakangiti siyang pinapanuod ang babae na masayang nakipaghabulan sa mga kaibigan, "Anak, kumusta ka?" Tanong sa kanya ng matandang si Edeng. Nginitian niya ito, "Ayos lang nay, ikaw po kumusta ka? Yong gamot mo iniinom mo naman ng tamang oras di'ba?" Nag-alala niyang tanong sa matanda at inakbayan ito. Tumango naman ito, "Oo anak, salamat sa lahat at kung mawala man ako ay alam kong nasa mabuting pangangalaga ang alaga ko." Seryosong ani nito. "Nay, huwag kang magsalita ng ganyan, kapag marinig ka ni Z magtatampo yon sayo." Aniya rito at tinapik ang balikat ng matanda. Seryosong tumingin sa kanya ang matanda, “Alam mong matanda na ako Grimm, at mas lalong alam mo ba ang lahat ng tao ay namamatay sa katandaan man o sakit, bata man o matanda walang pi

