CHAPTER 77

1569 Words

1994 Masaya ako sa araw na ito anak ko, dahil tatlong buwan na simula nang isinilang kita. At hanggang ngayon, labis pa rin akong naliligayahan dahil sa pagdating mo sa buhay ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nahahawakan, nahahagkan at napapagmasdan na kita aking munting anghel, Sirak. Ang buong akala ko dati ay hindi na kami mabibiyayayaan ng papa mo ng aming munting anghel. Pero heto at dumating ka na sa buhay namin. Masaya ako, ngunit labis din akong nalulungkot at nasasaktan para sa ’yo. Dahil sa araw na ito, aalis kami ng Papa Manolo mo para magtungo sa ibang bansa para doon ako magpagamot sa sakit ko sa puso. Nalulungkot ako dahil matagal-tagal ding hindi kita makakasama. Pero ganoon pa man, alam kong mapapanatag din ang kalooban ko at sigurado akong magiging ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD