“KAWAWA ang anak natin, Arnaldo!” lumuluha pa ring saad ni Magdalena habang nakapilig ang ulo nito sa dibdib ng asawa. Niyakap lalo ni Arnaldo ang asawa. “May awa ang Diyos, Magdalena. Huwag kang mag-alala, huwag tayong mag-alala, she’ll be fine. Magiging okay rin ang anak natin. Pati ang apo natin.” Anito. “Sana nga Arnaldo. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Jefrex dahil sa ginawa niya kay Sirak. Mabubulok siya sa bilangguan. Hahayaan ko siya roon.” Mariin at may galit na saad pa nito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Uran sa ere habang nagpaparoo’t parito pa rin ang kaniyang lakad sa labas ng emergnecy room. Naghihintay sila na lumabas ang doctor na tumingin sa kaniyang asawa. “God, sana ay okay lang talaga ang mag-ina ng anak natin, Salvador.” Lumuluha ring

