Kikay's POV Alas tres palang ng umaga ay gising na ako, wala naman pasok si Kiko ngayon kaya hinayaan ko lang siyang matulog. Ngayon ang dating ng Prinsipe at sinugurado kong may Load ako para maka pag mag live sa aking social account. Dahan-dahan na akong bumangon para makaligo na. Kahit sobrang hirap ng buhay ay nakakaraos din kami. Kung walang pasok si Koko sa school ay tumutulong siya kay Kiko. Si Itay naman ang nagbabantay sa kanyang apo habang kami ni Inay ay naglalabada at kung tapos na kaming maglabada ay itinitinda namin ang mga gulay na sobra-sobra para sa amin. Nakalipat na kami ng mas malaking bahay. Dalawang kwarto na ang inuupahan namin malapit lang din sa dating bahay ni Kiko. Ang mga magulang ko sa isang kwarto at si Koko naman sa isa. Sa sala kami natutulog ni Kiko at s

