"Nandito na ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa!!" napatingin kaming lahat sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita namin si papa na nakataas pa ang dalawa niyang kamay. Napailing na lang ako dahil parati siyang ganyan kapag dumarating siya galing sa pangangalakal. Nilapitan naman siya ni mama at niyakap at hinalikan sa pisngi at ako naman ay nagmano sa kanya. Napatingin siya sa nakatayong si Raphael at parang nadismaya siya. "Bakit may mas gwapo sa akin dito?" nagtatakang tanong ni papa nang makita niya si Raphael. Ngumiti naman si Raphael at nilapitan kaming tatlo. "Magandang gabi po. Ako po si Raphael, kaibigan po ako ni Kiko," pakilala niya kay papa na pinagtaka ko. Kaibigan? Kailan ko pa naging kaibigan itong mukhang aso na ito!? "Magandang gabi rin, Ijo pero parang na

