Pagdilat ko ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame. Nang igalaw ko ang aking sarili ay napadaing ako dahil sa naramdaman kong sakit ng aking katawan. Iginalaw ko ang aking ulo para makita ang lugar na aking kinalalagyan. Puro puti lang ang nakikita ko kaya alam kong nasa ospital ako ngayon. Ilang saglit pa ay narinig kong may bumukas na pinto. Napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang isang lalaki na papasok na may dalang mga prutas. Nang makita niya ako na nakadilat ay mabilis niyang ibinaba ang kanyang dala at agad na lumapit sa akin. "Kamusta ka na? May mga masakit ba sa katawan mo?" mga tanong ni Felix sa akin. "Masakit ang katawan ko pero kaya ko namang indahin," sabi ko sa kanya. "Pasensya ka na kung nahuli ako sa pagdating,Kiko," sabi niya sa akin. Pili

