" Ano ba ang nangyayari? " nagtataka kong tanong kay Felix nang masundo niya ako dito sa gilid ng dagat. " Pinalayas ang mga magulang mo sa nakuha niyong lilipatan! " sabi niya sa akin na kinagulat ko. " Ano? Paano nangyari yon!? " tanong ko sa kanya. " Pinasundan kayo ng ama ni Raphael at nang umalis ka ay doon nila sinugod ang mga magulang mo! " sabi niya sa akin. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Felix sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil kakalabas pa lang ni mama sa ospital at si papa ay hindi pa magaling ang kanyang braso! " Paano niyo nalaman ang tungkol sa paglipat namin? " nauutal kong tanong sa kanya. " Nagtanong kami sa katrabaho mong si Fern at sinabi niya sa amin kung saan kayo lumipat. Pupuntahan sana namin kayo para alukin na tumira na lang

