" Ano ang gagawin mo ngayon, Kiko? " nagtatakang tanong sa akin ni Fern. Hindi na ako umuwi kanina dahil ayaw kong makita nina mama at papa kung ano ang itsura ko kaya dumeretso na ako dito sa coffee shop. Kumain na lang ako ng hapunan sa nadaanan kong karinderya kanina para may lakas akong magtrabaho ngayon. " Sa totoo lang ay hindi ko alam, Fern, " malamya kong sagot sa kanyang tanong. " Kausapin mo si Raphael tungkol dito kapag nagkaroon ng pagkakataon, " payo niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. " Paano ko siya kakausapin? Ang mga tawag at text messages ko ay hindi niya sinasagot tapos ganoon pa ang nadatnan ko kanina, Fern, " tanong ko sa kanya. " Kaya nga sinabi ko na kapag may pagkakataon, Kiko. Lutang ka nga talaga ngayon, " sabi niya sa akin. NApailing at napabun

