Chapter 42 Gareth's Pare-parehong nakamata lang sa akin ang buong tropa habang tila ginagawa ko ng tubig ang alak. Sampung pares ng mga mata ang tila nagtataka habang pinapanuod lang ako sa ginagawa ko. "Drink!" Utos ko sa kanilang lahat. Pero tanging si Juan lang ang sumunod at nakitungga sa alak. "What's this?" Iritadong tanong ni Spike. "Inuman 'pre." Simpleng sagot dito ni Wacky na tila napaka tanga nito para hindi malaman ang nangyayari. "Let's drink. Sabayan natin si pareng Gareth." Natatawang sabi ni Pedro at saka nakilaklak na din ng alak. Nagsunuran na dito yung iba puwera lang kay Recka na mataman pa ring nakatingin sa akin. "You're broken hearted, right?" Seryosong tanong ni Recka na tila hindi nakatiis na hindi magtanong sa akin. Ng marinig ko yung word na broken hearte

