Chapter 31 Shayphan's Katatapos ko lang paliguan at bihisan si Grapes ng dumating si Gareth sa unit ko. Nagulat ako ng makita siya dahil mahigit isang lingo na din mula ng huli kaming dalawang nagkita. Napansin ko lang na parang mas fresh siya tingnan ngayon, at nakakahawa yung ngiti niya. Napangiti na lang din ako tuloy ng kusa dito. Pinapasok ko ang binata at pinatuloy hanggang sala. I motioned the sofa chair for him. Agad naman itong umupo. Pero bago iyon ay ngayon ko lang napansin ang tatlong malalaking paper bags na hawak nito. "Si Grapes?" tanong nito ng makaupo ng sofa. "Nasa kuwarto, saglit at kukunin ko" "Sure! And Phannie, this all for her." Iniqbot nito ang naglalakihang dala sa akin na dagli ko ding inabot. "Salamat." "This is nothing. Kulang na kulang pa ang lahat ng

