Chapter 29 Shayphan's Nalula ako sa kasimplehan ng buhay nila Daddy ngayon. Malayong-malayo ito sa nakagisnan kong karangyaan nung kami-kami pa ang magkakasama at nagtuturingang magkaka pamilya. Nilibot ko ng tingin ang kalooban ng library na nagsisilbi na ding opisina niya malamang dahil sa mga nakakalat na papeles sa mahogany table na nasa gitna. Kahit hanggang dito sa lugar na ito ay may tatlong malaking picture frame na ang laman ay ang panganay na anak ng mga ito. Sa gitna ay ang asawa at sa pangatlo ay ang bunso. Naiiwas ko ang paningin duon at dumiretso iyon kay dad. I can see remorse from his expression. Tila kay lungkot nito sa napag masdang lungkot sa mga mata ko ng makit ang ang larawan na naduduon. Naupo ako sa sofa na nasa bandang bintana. Katapat ay ang single sittee na

