“Seryoso Khrystal? Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng tandang?” seryosong tanong ni John habang nakakunot ang noo. “Anong pakialam mo sa ibig sabihin ng tandang na ‘yan? Puwede ba mag-drive ka na lang at baka mabangga pa tayo! Saka labinlimang minuto na tayo nasa kalsada wala pa rin tayo sa pupuntahan natin,” napasimangot na lang siya pagkatapos niyang magsalita. Nagulat na lang siya nang bigla may dumampi sa mga labi niya na malambot at mamasa-masa. Iyon pala ay labi ni Beast ‘yon. Parang bigla tuloy uminit ang pakiramdam niya dahil sa ginawa ng lalaki. “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo huwag kang sisimangot?” nakangiting sabi ni John na ikinainis niya. “E, ba-bakit nanghahalik ka? Close ba tayo para halikan mo ako?” sagot niya habang hindi mapakali sa kanyang kinauupua

