ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana. “So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumuno

