CHAPTER 6

1026 Words
PARANG nilamon ako nang kahihiyan nang makita ko siyang nakatitig lamang sa akin. What on earth?! Siya si Samiel Sandamiego? Bakit siya?! Bakit? Bakit siya pa! “Buang ka!” Mahinang bulong ni Darren sa akin, nang hilain niya ako paupo sa aking kinatatayuan. Ngunit ako ay nakatingin lamang sa kaniya—walang pakialam kung ano man ang sinasabi ng mga kaibigan ko ngayon. “If you wanted to be successful, remember that everyone was rooting for your failure.” Walang napasok sa isip ko, kahit ang mga hinihintay ko na sasabihin niya. Ngunit ngayon? Puro ang alaga niya lang na pumapasok sa isip ko ang napasok sa utak ko. Habang nagsasalita siya ay sinusundan ko lamang ang mga galaw niya. Kung paano ang hand gestures niya kapag nagsasalita. Ang salamin niyang nakasuot sa mga mata niya. Malabo na ata talaga ang mata niya. “Hindi ko alam kung saan ko siya nakita, pero parang nakita ko na siya. Basta family picture iyon, e. Sino ba nagdala sa atin noon ng family picture?” tanong na ngayon ni Nica sa amin. “Ikaw ba, dai?” Si Darren kay Adeline. “Edi sana ay sinabi ko na noon sa inyo pa lang sa bar na kilala ko ‘yan. Hindi ako nagdala ng family picture, D’yos ko…” Hindi siya makasigaw tulad ng gawain niya. “Kalma mo bilat mo, galit ka nanaman.” Pakalma sa kaniya ni Darren. Ang mga sinasabi nila ay napasok lamang sa tainga ko, ngunit hindi man lang maintindihan ng utak ko. “Those who dream will have a future..” Pagtatapos niya sa kaniyang speech. Kunot ang noo kong pakinggan lang lahat nang sinasabi niya. Bumaba ang tingin ko sa malambot niyang labi na kulay pula. “Ahhh!! Kuya!” Mariin kong sigaw, nang laruin niya ang loob ng perlas ko—gamit ang kaniyang dila. No! No! Halos pauulit-ulit kong iling at takpan ang mukha kong namumula na ata. “Grabe, ano? Parang noon lang ay estudyante ka pa lamang sa paaralang ito, Samiel. Ngunit ngayon ay kilala ka na bilang isang software engineer!” Wait-what?! Dito siya nag-aral? “Sana?” Bulong ni Darren sa tabi ko. “Galaw-galaw, baka ma-stroke.” Tumaray na lamang ako’t bumaling ng tingin sa kanila. “Pinagtatagpo ata talaga kayo, Sana. Nakita ka niya kanina! Baka mamaya ay kausapin ka n’yan!” Hindi mapakali si Nica—nag-iisip na nang senaryo sa kaniyang utak na mangyayari sa aming dalawa ni Samiel. Halos dinumog si Samiel nang ibang kalalakihan. Ngayon ko lang napansin na may mga camera man pala rito sa loob na nakatutok lamang kay Samiel. “Awtss… mukhang hindi ka muna makakausap ng prince charming mo, Sana. Maraming nakapalibot sa kaniya.” Hindi nagkakamali si Adeline, nang mas dumami pa ang tao at mga estudyante na gustong magpakuha ng litrato sa kaniya. “Grabe! Ang gwapo! Ang bango-bango pa!” Kilig na kilig ang mga babaeng taga ibang section. Kakatapos lang nilang lumapit kay Samiel para sa picture. “Ikaw? Papa-picture ka?” Bangga ni Nica sa braso ko nang itanong niya iyon. “Sakalin mo na lang ako,” tipid kong sagot. “Ayan na! Ayan na! Dadaan ‘yan siya sa likod!” Nagmamadaling sabi ni Darren, at mabilis niya kaming hinila palabas ng auditorium. Nagtataka sa kung saan ba ang punta namin. “Teka! Darren!” Pigil ko pa sa kaniya, ngunit ilang saglit pa ay sumilip na siha. “See?! See!” Hinablot niya ang braso ko’t itinulak at doon nakita ang imahe ni Samiel na naglalakad patungo sa isang kotse. Nakasuot siya ng mahabang coat na itim. Puting-puti ang kutis niya. Ang sexy niya tignan kapag naka-push back ang buhok niya. Ibang-iba sa lalaking kinuha ang berhen ko. “Kausapin mo na, Sana! Lumapit ka na! Bilis!” Ang mga tropa kong supportive sa akin. Habang nalapit ako sa kaniya ay parang napapalapit na rin ang katapusan ko sa kaba. Ano ba ang sasabihin ko sa kaniya? Hello? Hi? Kumusta ka? “Kuya!” Agad kong sigaw na ikinatigil niya sa pagbubukas ng pinto. May ilang gwardya siya na kung saan ay hinarangan ako para makalapit sa kaniya. Napapagitan ako ng dalawang naglalakihang gwardya niya, kaya ‘di ko siya malapitan. “Natatandaan mo pa ba ako?” Tanong ko sa kaniya, nang itaas lang nito ang kaniyang kilay. “No,” tipid niyang sagot sa akin. “Teka! Ako ito—‘yung naka-one night stand mo…” Humina ang boses ko matapos kong bigkasin ang huling sinabi ko. “Ahhh…” Nanlaki ang mga mata ko, nang iyon lamang ang isagot niya. Ahhh? Iyon na ‘yon? After niyang bulatbulatin ang puri ko?! “Teka! May sasabihin ako!” Ngunit agad na siyang sumakay ng kotse nito’t pinaandar na. May something sa isip ko ang hindi maaring gawin nang isang matinong tao. “Teka!” Umandar ang sasakyan at hindi pa ako nakakapagpaliwanag. Ano nga ba ang balak kong sabihin? Wala naman, hindi ba? Ano pa ang purpose nang ginagawa ko ngayon. “Ano ang sabi niya? May gwardya kasi at sikat na sikat siya kaya kailangan lang siya ingatan.” Pakalma ko sa sarili ko, dahil sa walang pagpansin. “Ano raw, e…” Ngumuti sila sa akin na para bang naghihintay sa akin ng sagot. “Magda-date raw kami, huwag daw akong maingay na dito siya galing sa school natin at marami akong hahanap sa kaniya sa school na ito,” wika ni Darren. “As a matter of fact, ay totoo naman ang sinasabi ni Adeline. “Oh my! Oh my!” Nagwawala niyang saya sa akin. “Yes! At alam kong magugustuhan yan siya ng lalaking mahilig sa musika.” Pang aasar pa ni Darren sa akin. “Ang dami niyo naman sinasabi. Pumasok na tayo sa room at alam naman na natin na sa akin siya stick to one” ang nanay naman. “Hindi ako papayag na hindi niya ako maalala! Ipapaalala ko sa kaniya ang lahat! Humanda ka sa akin, Samiel! Mai-inlove rin sa akin ang lalaki na iyon. Kuya pala, huh? Ready ka talaga sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD