Ngayon lang ba siya nakakita ng babae? Bakit parang gulat na gulat siya, nang makita akong magsalita? Tumaray ako sa kaharap ngayon ni Samiel at mariin siyang pinagmasdan. “Kakain ba tayo o hindi? Naghihintay na ang mga kaibigan ko. Sana ay sinabi mo na gusto mo lang makipagchikahan, ‘di sana ay pinatawag ko na si Boy Abunda, para may kasama kayong dalawa.” Malay ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito ngayon. Baka dahil gutom lang ako? Malay! Basta galit ako! Low profile... Pagpapaalala ko sa aking sarili, para lang hindi magmukhang may pakialam sa kaniya. “Y-yeah! Sorry.” Naningkit ang mata ko kay Samiel. Kingina ka, umayos ka, ha! Hindi mo kilala kung sino ang papakasalan mo. “This way.” Pinagmasdan ko lang ang babae na ngayon ay nakatingin pa rin kay Samiel. Naunang maglakad

