ANG LAKI ng suite niya. Tila parang naninibago pa ako sa ganitong klaseng style ng titirahan ko. Mas'yado kasi itong magarbo, kung ikukumpara rin sa bahay namin. "Feel at home," ani niya at daanan na lamang ako, habang dala-dala niya ang maleta ng mga damit ko. "Teka! S-saan mo dadalhin 'yan?" Utal kong tanong sa kaniya, huminto naman siya't lumingon sa akin. "Sa kwarto." Tipid nitong sagot. Uminit nanaman ang pisngi ko sa hindi malaman na dahilan. Kinikilig nanaman ako! Magkatabi kaya kami matulog? For sure, ay hindi! D'yos ko naman, Saneva! Umayos ka nga! Umiling-iling ako sa aking mga pinag-iisip. Sinundan ko siya para makita ang kwarto namin. "Here's your room." Tumaas ang dalawa kong kilay, matapos kong makita ang kabuuan ng kwarto. Malaki iyon at marami pang espasyo na pwedeng pa

