TOTOO ba ang narinig ko? Buntis ako? Baka si Mommy ang buntis? Lumapit ako kay Samiel at pinagmasdan niya lamang ako ng may ngisi sa labi nito. Saka bakit sila narito? Ano ang ginagawa niya sa bahay ko? “You should be not here, right?” Akma kong tanong sa kaniya, nang tumayo ang daddy at hawakan ang kaniyang dibdib. Animo’y parang aatakihin sa puso, kaya agad akong umalma. Lumapit ako sa kaniya, pero hinawi lang nito ang kaniyang kamay na sinasabi sa akin na huwag akong lumapit. “Saneva, magsabi ka sa akin ng totoo. Ikaw ba ay buntis?” Galit nitong tanong sa akin. “D-dad? Ha? Saan mo ‘yan napulot? Hindi ako buntis!” Natatawa ko pang sagot at tinignan si mommy nang umiiling. “Narinig ko ang sinabi ni Navincent, Sana!” Malakas nanaman na boses ng daddy. “I-It’s not true! Nagbibiro lang

