Nakatingin lamang ako sa magandang araw ng Brazil. Tatlong araw na nang wala si Samiel. Mag-isa lamang ako rito sa malaking mansyon na ito. Mabuti na lang talaga at kahit paano ay may pinadalang tao si Samiel nang sumapit na ang pang apat na araw. “Nice to meet you, Mrs. Sandamiego.” Nakipagkamay na rin ako sa kaniya, tulad nang ginawa ko sa asawa nito kanina na unang bumati sa akin. “Matagal na kayo kayo rito sa Brazil?” Habang inaayos nila ang iba pang stock ng pagkain na maari kong kainan, gayoong malayo nga kami sa syudad na kailangan mo pang lumaot para makabili nang makakain na gusto ko. “Pinapunta lang po kami rito ni Sir. Samiel, Mrs. Sandamiego.” Ngumiti lang din ako sa kaniya at tumungo. Kada gabi ay naghihintay ako ng tawag ni Samiel, ngunit sa anim na araw ay wala pa rin

