Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil sa himbing ng tulog ko kagabi.
Hindi muna ako tumayo at tumingala muna sa kisame at inalala ang nangyari kagabi.
'Tunay ba akong hinalikan ni ald? Hindi panaginip? Hindi scam? Bakit naman nya kaya ako hinalikan? May gusto ba sya sa akin?'
Inis kong hinampas ang ulo ko.
"Bakit ba yon ang iniisip ko? Tanghaling tapat puro kagagahan ako" inis na sabi ko at tsaka ginulo ang buhok.
Tumayo ako at tsaka naghanda ng damit pagka ligo.
Nang matapos na ako ay tsaka pa lang ako nagluto ng piniritong itlog. Sabado ngayon kaya walang pasok pero may ganap. Mabilis akong kumain para makapunta na kaagad ako sa aking pupuntahan.
Nang matapos kumain ay inihanda ko na ang aking mga dadalhin lalo na sa mga bata.
Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay tsaka pa lang ako umalis ng bodega.
Sa daan papunta sa aking pupuntahan ay tumigil muna ako sa isang tindahan para bumili ng isang kandila. Nang makabili ay nagmadali na ako. Napuyat kasi ako sa kakaisip nung nangyari sa amin ni ald sa kubuhan nila.
Nang makarating ako ay kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ay kaha ng posporo at tsaka sinindihan ang kandila at itirik sa puntod ni papa.
"Happy Birthday, papa" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa puntod. "Akalain nyo yon magka sunod lang pala ang birthday nyo ni ald" dagdag ko pa. "Pa! masaya na ako ngayon.. Masayang-masaya.. Nawawalan na ako ng mga problema at dahil yon kay ald, pa. Si ald na laging handang tulungan ako.. Kay ald ko po nakita ang isang pamilya at isang kaibigan" usal ko pa habang nakangiti at tsaka umupo sa damuhan. "Pa! Kung nag-aalala po kayo sa akin, lagi nyo pong isipin na ayos lang ako.. I may seen weak by them, but I know in myself that I'm stronger enough to fit in this world" sabi ko at tsaka huminga ng malalim. "Pa! Promise ko sayo na kapag naging reporter na po ako. Dito po ako unang pupunta at sasabihin sa inyo na, Pa! Yung pangarap nating dalawa, natupad ko na" nangilid ang luhang sabi ko. "Miss na po kita.. Sobrang miss" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha. "Pasensya na po kung ako lang ulit ang nandito at wala si mama. Siguro po busy lang sya, pero alam naman po nating hinding-hindi nya din makakalimutan ang araw na'to" nakangiti kong sabi. "Pa! Alam ko naman pong nakikita nyo dyan sa taas ang mga pinaggagagawa ni mama sa akin, kaya sana po huwag po kayong magagalit sa kanya. Alam naman po natin na may rason sya kung bakit nya yon ginagawa" nakangiti pero patuloy pa rin sa pagtulo ang luhang sabi ko.
Hindi na muna ako nagsalita at tsaka tumingin sa paligid. Masaya dito, mahangin at tahimik ang lugar. Kaso nakakatakot na kapag gabi na dahil sementeryo 'to at baka makakita pa ng multo.
Ang bilis ng panahon. Sa sobrang bilis ay naguguluhan na ako sa mga bagay bagay. Kagaya na lang ng nararamdaman ko kay ald. Hindi ko alam kung gusto ko ba sya o hindi. At tsaka naguguluhan ako sa mga ginagawa nya. Baka kasi mamaya ay ganoon lang talaga sya ka sweet sa mga kaibigan nya, tapos binibigyan ko ng ibang meaning. Ayokong masaktan. At lalong ayokong masaktan ng ang dahilan ay si ald. Dahil kahit kailan ay hindi ko naisip na sasaktan ako ni ald. Ayoko ring saktan si ald dahil masyado syang mabait sa akin at wala akong nakikitang dahilan para saktan sya.
Lord! Alam kong lagi akong humihiling. Pero this time, pwede bang tuparin nyo itong wish ko na'to? 'Ang wish ko po ay sana hindi ko po masaktan si ald sa kahit anong paraan'. Yan sana po tuparin nyo po yan. Si ald na lang po kasi ang isa sa mga tao na mahalaga sa akin ngayon.
Nag-unat muna ako bago tumayo at magpaalam kay papa bago lisanin ang lugar.
Nakangiti habang nakatingin ako sa dala-dala kong plastic. Paniguradong excited na akong makita ulit ng mga bata.
Nang makarating ako sa lugar ay isa-isa na silang nag ngitian at tsaka tumakbo sa akin para yumakap.
Ang mga ngiti at yakap nila ang isa sa mga nakakatuwang bagay na ginagawa nila kapag pupunta ako dito.
"Ate ganda anong ituturo mo sa amin ngayon? Excited na kami" nakangiting tanong sa akin ni popoy.
"Pumunta muna tayo sa pwesto natin para maituro ko na" nakangiti kong sabi at tsaka sila niyaya sa pwesto namin.
"Nga pala ate ganda, asan po si kuya ald?" tanong sa akin ni nika.
"Nasa bahay sya" simpleng sagot ko.
"Bakit po hindi nyo isinama?" tanong nya pa sa akin.
"Busy din kasi ang kuya ald nyo, hayaan nyo isasama ko ulit sya kapag hindi na sya busy" sabi ko.
"Talaga po?" tanong nilang lahat sa akin.
"Oo naman" nakangiti kong sabi. "Kaya simulan na nating mag-aral para hindi sayang sa oras" dagdag ko.
"Sige po!!!!!" sigaw nila pagkatapos ay nagtahimikan na sila.
Nagsimula na akong magturo sa kanila. At gaya nga ng inaasahan ko ay nakuha kaagad nila ang aking itinuturo kaya mabilis rin akong nakapag bigay ng gawain sa kanila. At gaya ulit ng inaasahan ko ay si nika na naman ang unang nakatapos.
"Very good ka talaga nika" nakangiti kong sabi ng maibalik ko sa kanya ang kanyang papel.
"Dahil po magaling kayong magturo" nakangiti nyang sabi bago bumalik sa pwesto nya.
Maya maya lang ay isa-isa na silang nagpapa check. Nakakatuwa na lahat ulit sila ay perfect. At para nga sa kanilang reward ay binigyan ko ang bawat isa ng tag-isang lemon square at isang zest-o. Pinadalhan kasi ako ni ate bervy ng kahong pagkain nitong biyernes lang. Kaya ang mga snack na gaya nito ay ipinamigay ko na lang. Masaya kasi na kahit yon lang ang meron ka, nagbibigay ka pa rin. Maliit man o malaki.
"Ate ganda, story time na" nakangiting sabi sa akin ni paul.
"Sige, ipagpapatuloy ko na ang kwento" nakangiti kong sabi. "Akala nga ng prinsesa na hanggang dulo ay ang puno ang karamay nya. Pero nagulat sya ng isang araw ay may biglang isang prinsipe ang lumapit sa kanya at nakipag kaibigan. Noong una ay nahihiya sya dahil ang prinsipe ay sobrang kilala sa lugar nila. Maraming mga kababaihan ang may gusto sa kanya. Sa pagtagal nga ng panahon ay mas lumalalim pa ang kanilang samahan. Na andyan yung sabay silang kumain, magliwaliw, at mag kwentuhan" nakangiting kwento ko.
"Tapos po?" tanong ni popoy.
"Hanggang doon muna" nakangiti kong sabi.
"Ang daya mo po talaga ate ganda" sabi naman ni sean.
"Sa susunod na sabado na ulit" nakangiti kong paliwanag.
"Sige po" nakangiti nilang sabi at isa-isang lumapit sa akin para yumakap.
Bago ako umalis sa lugar ay inaayos ko muna ang mga kalat.
Nang matapos ay tsaka lang ako pumihit para umalis ng lugar. Pero nagulat ako ng makita si nika na naka upo sa isang upuan habang nakatingin sa fountain.
"Nika, ano pang ginagawa mo dito?" nakangiti kong pagtatanong sa kanya at tsaka umupo sa tabi nya.
"Ayoko pa po kasing umuwi sa bahay, e" sabi nya.
"Bakit naman?" pagtatanong ko sa kanya.
"Magulo po sa bahay" malungkot na sabi nya.
"Paanong naging magulo?" tanong ko ulit.
"Si papa po kasi, umuwi na namang lasing kanina at naghahanap ng pera kay mama para po ipang sugal. Wala naman pong maibigay na pera si mama kasi po wala pa po yung sahod nya sa paglalabada kay aling lita. Nagalit po si papa kaya binugbog nya po si mama" nangilid ang luhang sabi nya.
Agad ko naman syang niyakap.
"Kung anong nangyayari sa pamilya nyo ngayon ay aayos rin, magtiwala ka lang" sabi ko at hinaplos ang likod nya.
"Ayoko po kasing makita si mama na ganon ang sitwasyon dahil hindi nya po deserve yon ng dahil lang po sa wala syang pera. Gusto ko pong tulungan si mama, pero wala po akong magawa dahil pinapangunahan po ako ng takot. Takot na sigawan ni papa at takot na saktan ni papa" humihikbi na nyang sabi.
Nangilid tuloy ako sa luha. Parehas kami ng naranasan nung nasa ganyang edad pa lang ako. Takot din ako. Pero hindi sa sigaw o sakit.. Kundi takot kung mahalaga o mahal pa ba ako ni mama. Pareho kami ni nika na namulat sa sitwasyong ganito sa mga murang edad.
"Umiyak ka lang nika, dahil ang pag-iyak ang isa sa mga sign na malakas ang isang tao" sabi ko.
"Thank you ate ganda" humihikbi pa ring sabi nya sa akin.
"At tsaka hindi naman kasi lahat ng problema natin ay kaya natin, kaya ayos lang na umiyak ka kung hindi mo na kaya" nakangiti kong dagdag.
Umalis sya sa pagkakayakap at tsaka pinunasan ang kanyang luha.
"Thank you po sa mga sinabi nyo ate ganda, gumaan po ang loob ko" nakangiti na nyang sabi sa akin.
"Walang anuman, nika" nakangiti kong sabi at tsaka hinimas ang kanyang buhok.
"Uuwi na po ako ah?" paalam nya sa akin. "Ingat ka po sa pag uwi ate ganda" dagdag nya.
Nakangiting tumango lang ako. Ngumiti muna ulit sya bago ako tinalikuran.
Nag unat muna ako bago ako umalis sa parke. Palubog na ang araw at anumang oras ay sasapit na ang gabi.
Hindi ako pwedeng gabihin, mapapagalitan ako.
Nagmamadaling naglakad ako pabalik sa bahay. Madilim na ng makarating ako pero nagulat ako ng hindi pa naka lock yung gate. Pagpasok ko isinara ko na lang ng maingat yung gate.
"Tamang tama ang dating mo" sabi sa akin ni sedah ng pumihit ako paharap sa kanya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Pumunta ka sa lugar na'to at ibigay itong paper bag kay papa" maarteng sabi nya at tsaka inabot ang pirasong papel at paper bag.
"Bakit ako?" mahinahong tanong ko.
"Alangan namang ako? O si krisha?" mataray na sabi nya. "Ikaw na dahil ikaw naman ang anak ni tita" dagdag nya pa at tsaka umirap bago ako tinalikuran.
Saan naman kaya ang lugar na'to? Wala naman akong pera para pumunta dito.
Nagulat ako ng bumalik sa harapan ko si sedah.
"I forgot! Eto pala yung pamasahe" sabi nya at walang ganang inabot sa akin ang pera.
Ano bang gagawin ko dito? Bakit ako ang magdadala?
Sa huli ay hindi na lang ako nagtanong sa sarili ko at nakangusong lumabas ng bahay para pumunta sa sakayan ng jeep.
"Bayad po! Sa may padis club nga po" magalang na sabi ko kay manong bago inabot ang bayad.
Maya maya lang ay inabot na nya sa akin ang sukli. Pero si manong ang weird ng tingin.
"Bakit po?" nahihiyang tanong ko.
"Mag-iingat ka don ineng. Ang bata mo pa naman" sabi ni manong.
"Po?" pagtatanong ko ulit pero hindi na sya sumagot.
Kaya umupo na lang ako ng maayos. Tiningnan ko saglit ang aking relos para tingnan kung anong oras na ba. Maaga pa naman pala! Ala sais lagpas pa lang naman pala.
Sa kaka intay ko ay maya maya lang ay nakarating na nga ako. Si manong na mismo ang nagsabi sa akin na nandito na daw ako. Pagbaba ko ay nagulat ako ng makita ang labas ng padis club.
Bawal ang minor de edad dito , diba? Bakit naman dito ako papapuntahin ni sedah. Kabado akong lumapit sa may entrance.
"Ilang taon ka na?" malaki ang boses na tanong sa akin ng lalaki.
"Sixteen p-o" kabadong sabi ko.
"Bawal ka dito" ma autoridad na sabi nya.
"Pero dito po ako pinapapunta" magalang sabi ko.
"At nino naman?" seryosomg tanong nya sa akin.
"Ni sedah po" sabi ko.
"At sino namang sedah yan?" tanong nya sa akin.
Sino nga ba si sedah?
"Yung kapatid ko po" magalang na sabi ko.
"Sinong tatay naman nyang si sedah?" tanong ulit sa akin.
"Si tito roman po" sabi ko.
"Roman? Si Roman Alcantara ba?" tanong nya sa akin.
"Opo! Yun po" nakangiti kong sabi.
"Ah! Sya, pasok na! Pag tinanong ka ng ibang guard kung ilang taon ka na sabihin mo eighteen" nakangiting sabi sa akin ni kuya.
Ngumiti na lang ako at tsaka pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lang ay sobrang ingay. Nabibingi ako sa lakas ng tugtog.
Pero wala akong choice kundi hanapin sina mama. Ang daming tao, paniguradong mahihirapan ako nito. Pero sa pagka pursigido ko sa paghahanap ay nakita ko na si mama.
Agad akong lumapit sa table nila.
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong sa akin ni tito roman.
"Sabi po ni sedah ay pumunta ako dito para ibigay 'tong paper bag" magalang na sabi ko at inabot ang paper bag.
Mabilis nyang kinuha ang laman ng paper bag at inabot iyon kay mama. Nagulat ako ng biglang umiyak si mama.
Agad akong lumapit para tingan kung bakit sya umiiyak. Pero ganon na lang ang pangingilid ng luha ko ng makita sa picture frame ang mukha ni papa.
"Happy Birthday, Rodolfo" humikbing sabi ni mama.
Bigla tuloy nagbagsakan ang mga luha ko sa mata. Akala ko nakalimutan nya.. Hindi pala.
Niyakap ko si mama ng mahigpit. Amoy alak sya. Uminom ba si mama? Tiningnan nya ako ng may namamanglaw na mata. Nginitian ko sya.
Akala ko ay magsasalita sya. Pero nagulat ako ng sukahan nya ang suot kong damit.
"Umalis ka na nga dito" hatak sa akin ni tito roman at tsaka ako itinulak.
Napaupo tuloy ako sa sahig.
Bigla tuloy akong napatingin sa kamay na nasa harapan ko at tsaka tiningnan ang nagma may-ari nito.
Isang makisig na lalaki.
"Miss?" tawag nya sa akin.
"Ah" yun lang ang nasabi ko at inabot ang kamay ko.
Tinulungan nya akong makatayo.
"Tha-nk yo-u" nahihiyang sabi ko.
"Welcome.. Halika samahan muna kita sa restroom" yaya nya sa akin.
"Ba-kit?" nagtatakang tanong ko.
"Don't get the wrong idea" agaran nyang sabi. "Sasamahan lang kitang magpalit ng damit. Nasukahan ka kasi" paliwanag nya.
"Ah! Nako ayos lang, wala rin naman akong pampalit" tanggi ko sa kanya.
"Don't worry I have one" nakangiti nyang sabi.
Nahihiya man ay sumama ako.
"Here" abot nya sa akin ng t-shirt nya ng makarating kami sa cr.
"Salamat" nakangiti kong sabi. "Pero, would you mind if I ask, bakit meron kang damit na baon?" tanong ko sa kanya.
"Lagi akong nag ba baon ng damit sa mga inuman for emergency" sabi nya at tumawa ng mahina.
"Ah" sabi ko. "Sige bihis na ako" dagdag ko pa.
"Ah yeah, go ahead" nakangiti nyang sabi.
Pumasok ako ng cr para maglinis at magpalit.
Nang makapag palit na ako ay lumabas na ako ng banyo. Nagulat ako ng makita pa sya doon.
"Ina-antay talaga kita" nakangiti nyang sabi. "Tara! Ihahatid na kita sa labas" nakangiti nya pang dagdag.
Sumunod na lang ako sa kanya palabas ng club. Hindi na ako nag-abala pang puntahan si mama dahil magagalit na naman si tito roman.
"Hanggang dito na lang ako, miss" nakangiti nyang sabi sa akin ng makarating kami sa sakayan. "Mag-iingat ka ah" dagdag nya.
"Oo" nakangiti kong sabi. "Ikaw din mag-iingat" sabi ko pa.
"Ahmm.. Chester pala" nakangiti nyang inilahad ang kamay sa akin.
"Hope" sabi ko at nakipag kamay sa kanya.
"Nice meeting you, hope" sabi nya at tsaka ako tinalikuran.
Nakangiti kong pinagmasdan ang nakatalikod sa aking si chester.
Nakakatuwa na kahit may hindi ka namang kadugo na tao ay handang-handa pa ring tumulong.
Wala si ald dito, pero bakit nakikita ko sa chester na 'yon si ald? Tsk! Baka baliw na ako..
—ckc...