“Sige na Rose, last day mo na ito sa school. Pagbigyan mo naman kami na makasama ka. Ang KJ mo naman kasi lagi ka na lang tumatanggi, nawala lang si Eva ayaw mo na kami kasama,” sabi ng classmate at kaibigan ko na rin na si Emy. Kaya kahiyaan na lang, napabung-hininga ako na tumango na lang bilang pagpayag na sumama sa kanila na magsaya ngayong gabi. “Sige, pero tatawagan ko muna ang asawa ko. Alam naman ninyo, seloso si Cong.,” nakangiti na paalam ko sa mga ito. “Nag-asawa ka kasi ng matanda, yan tuloy tingin sayo anak. Hahahaha!” tawa naman ni Jason na siniko ng dalawang kaibigan pa namin. Kaya naman napapailing na tumalikod muna ako at pinindot ang pangalan na “Baby” sa aking contacts. Pero nakailang subok na ako, ring lang ng ring. “Halika na, Rose. Nandito na ang taxi!” siga

