“Nakakahiya ka, Rose!" Bulong ko sa aking sarili. Matapos ko talikuran si Gideon. Napapakagat-labi pa ako habang pinipigilan ang pag ngiti. Kilig na kilig ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakakahiya!
Ang lakas ng epekto ng matandang 'yon sa akin! Ilang araw pa lang naman ako rito, at seryoso, wala talaga akong gusto kay Congressman… bago pa man ako makapasok sa bahay na 'to. Pero ngayon, parang may kung anong kakaiba…
Ang t***k ng puso ko, grabe! Para bang may mga paru-paro sa tiyan ko! Kinikilig ba ako? Baka… “baka may gusto na pala ako sa matanda na ‘yon? Hay naku, Rose! Ang landi mo!” naiinis na binatukan ko ang aking sarili.
Bakit kasi… ngayon, hindi ko alam kung bakit pinatitibok nito ng malakas ang dibdib ko. Pinapanginig nito ang mga tuhod ko. Laman din ito ng panaginip ko, hindi basta panaginip, dahil parang totoo na pagniniig talaga.
Nagpasya ako na buksan na lang ang telebisyon at manood ng palabas. Sa bahay, hindi ako makapanood. Dahil ang dalawang pinsan ko ang nasusunod sa bahay. Pag napansin nila na nanonood ako, nililipat na nila ang channel at nagtatawanan pa. Ganun nila ako paglaruan sa bahay na ‘yon.
Ngayon iba na, nandito ako sa malaking silid at solo ko ang malaking TV. Hindi ko alam kung blessing ba si Gideon o panibagong problema sa buhay ko. Alin man doon, sanay na ako. Ano pa ba ang dapat kong ikatakot?
Lumipas ang maghapon na para bang isang mabagal, mabigat na pag-ikot ng orasan. Nakaupo lang ako rito sa harap ng telebisyon, ang mga mata ko'y nanlalabo na sa kakatitig sa walang kwentang palabas. Hindi ako sanay na walang ginagawa. Na nakaupo lang ng ganito.
Parang wala namang pinagkaiba ang isang araw sa isa pa. Paulit-ulit lang. Daily routine na parang naka-rewind, naka-pause, tapos naka-play ulit… pero sa slow motion. Naalala ko, bukas na pala ang pasukan. Lunes na naman. MWF ang klase ko. Wala pa akong gamit sa school, mabuti na lang nakapag enroll na ako agad, bago ang gulo na ‘to.
Iniisip ko… isang taon na lang… graduation na. Pero ano nga ba ang nararamdaman ko? Excited ba? O… malungkot? Parang… hindi ko alam. Parang ang bilis ng panahon. Parang kanina lang, freshman pa ako. Nandoon ako sa bahay ng tiyahin ko, para akong daga na pinipilit ang aking sarili sa bahay na ‘yon.
Ngayon, malapit na pala ang pagtatapos. Tapos… Ano na ang susunod? Ang dami kong tanong… pero wala namang masagot. Napabuntong hininga na lang ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ang lungkot-lungkot bigla.
Pakiramdam ko, nababaliw na ako. Pag ganito na mag-isa na lang ako, parang talo ko pa ang babae na nagme-menopause. Paiba-iba ang mood.
Tumayo ako at nilingon ang kabuohan ng silid. Kanina pa lumabas si Gideon. Kanina, parang normal na binata lang ang lalaki kapag nandito sa loob ng bahay. Pero sa labas, nakakatakot ito na tao. Mapait ako na napangiti habang nakatingin sa liwanag ng buwan.
“Totoo ka ba?” nakataas ang kamay ko at para bang hinahawakan ko ang bilog na buwan. “Kung totoo ka, ano ba ang plano mo sa akin? Ayaw ko ng ganitong buhay. Pilit akong umaalis na putikan na lugar na ‘yon, pero heto at nakakulong naman ako sa pangangalaga ng isang lalaki na hindi ko kilala. Kung anak mo rin ako, tulungan mo naman ako. Gusto ko lang maging malaya. Malaya sa lahat. Napapagod na ako maging utusan, mula pagkabata ko, alipin na ako nila Tiya Milba. Hanggang ngayon, bilanggo naman ako ni Congressman Gideon. Gusto ko magtrabaho bilang disente na dalaga sa labas, gusto ko may mapatunayan. Gusto ko makakilala ng mga tao na hindi ako gagamitin lang, para sa kanilang sariling kapakanan.” pinahid ko ang luha na gumapang sa aking pisngi.
Napayuko ako at sapo ng dalawang palad ko ang aking mukha. Simple lang ang pangarap ko, mamuhay mag-isa. Tumira sa maliit na bahay, ‘yong pag-aari ko. Magtrabaho at magsaya paminsan-minsan sa labas, tulad ng mga normal na dalaga.
Madasalin naman ako, pero bakit mukhang basted ako ng langit? Bakit pakiramdam ko, wala akong kakampi. Ang hirap ng ulila, parang pakiramdam ko, isa akong maliit na isda na lumalangoy sa malawak na karagatan. Na ang paligid, puno ng pating. Any moment, pwede akong lapain.
Nagpasya ako na tigilan na ang aking pag-iisip ng malalim. Kailangan ko maging matatag, dahil wala naman akong ina na iiyakan, wala akong ama na susumbungan, wala rin akong kapatid na kakampi. Ako lang, ako lang sa lahat ng pagsubok na ito.
Habang pababa ako ng hagdan, nagpapaalam na ang mga kaibigan ni Gideon, mukhang tapos na sila magsaya. Hindi ko pinansin ang mga ito, dumiretso ako sa kusina, katulad kanina, kumain lang ako.
“Ma’am Rose, pwede po ba tulungan mo ako alalayan si Sir paakyat sa silid ninyo?” magalang na pakiusap ng matandang kasambahay.
Kaya't alanganin man, umalalay na din ako. Habang nakaakbay ang isang balikat ni Gideon sa akin, hindi ko maiwasan na tingalain ito at titigan ang gwapo nitong mukha. Nakakatakot, ‘yon talaga ang unang papasok sa isip ng tao na hindi ito kilala.
Tingin pa lang, nanginginig ka na. Ngisi pa lang, mamamasa ka na, “Ay puta!” sigaw ko! Dahil mali ang biglang naisip ko. Napahinto si Manang at tinitigan ako.
“Pagod ka na ba anak? Si Gideon kasi, naghuhubad ito pag lasing, baka mamaya maghubad na naman dito sa sala. Baka maeskandalo na naman ang mga kasambahay,” paliwanag ni Manang.
“H—Hindi po, sige akyat na po tayo, malapit naman na,” sagot ko na lang sa matanda.
Matapos namin makapasok sa loob ng silid. Humihingal ang matanda. “Hay salamat! Ang bigat ng batang ito. Sige, ikaw na ang bahala huh? At akoy magpapahinga na,” paalam ng matanda sabay talikod.
Nilingon kong muli si Gideon, nakatihaya itong natutulog. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya't nagpasya ako na kumuha ng face towel at tabo. Pinunasan ko ang mukha nito at ang braso, pero akmang huhubaran ko pa lang ito ng damit, nahila na nito ang kamay ko, kaya't napadapa ako sa ibabaw ng katawan nito.
Napalunok ako ng matitigan ko ang mapulang labi nito na ang sarap humalik. Nakagat ko na naman ang labi ko, dahil bakit ganito ang iniisip ko. Dapat nga ay matakot ako, dahil delikadong tao ito. Pero hindi kasi mawala sa isip ko ang gabi na inangkin nito ang labi ko. He was my first kiss!
Pero parang may kung ano, na nagtutulak sa akin para halikan ko ito ngayon. Kaya't kahit kumakabog ang dibdib ko, mabagal na nilapit ko ang aking mukha. Pero bago pa man tuluyan na dumikit ang labi ko, napigilan ko ang aking sarili.
“Wag mo akong sisimulan, Baby. Dahil mahirap pigilan ang libido ko, pag nag-init na ako,” bulong nito, sabay baliktad ng aming pwesto. Kaya naman napunta na ako sa ilalim nito.
Nakayuko ito ngayon sa akin at nakatitig sa aking labi. Habang ako, hindi ko maiwasan na hindi titigan ang baba–taas na adams apple nito, dahil sa paulit-ulit na paglunok. Kaya't tinaas ko ang aking kamay, hinipo ng aking hintuturo ang leeg nito.
“Magpalakas ka, dahil wala pang babae ang nakakatayo, matapos ko gamitin,” nakangisi na sabi nito, sabay hawak sa aking kamay at umalis na sa ibabaw ko.
A heavy silence hung in the air, thick with unspoken words. My face burned, a wave of shame washing over me as I frantically fanned myself. Another humiliating moment, another misstep in my life's awkward dance.
"Go to sleep. You're talking to yourself like a lunatic," Gideon's voice, low and smooth, sliced through the suffocating quiet.
I spun around, glaring. “Gising ka pala! Sira ulo ka?! Hinayaan mo kami ni Manang na nagpakahirap na umakyat dito!” Medyo naiinis na sigaw ko dito.
He didn't respond, just smirked and turned away. Ganito madalas ang matanda na ‘to, always so unpredictable. His silence was a challenge. Hindi ko alam kung paano ko ito patutunguhan. Dahil sa ilang araw, natatakot pa rin ako sa kaya nitong gawin sa akin.
Pumihit ako ng higa at nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Parang hindi ko alam kung tama ba na hingin ko ang apelido nito. Dahil isa itong malaking tao, at hindi basta-basta lang.
"I've been hearing you sigh all this time. Don't you ever get tired of thinking?"
Hindi na ako kumibo pa, matapos magsalita ni Gideon. Nananalangin na lang ako na sana bukas, maayos ang lahat.