Ang buwan ay mabilis na lumipas. Nabalitaan ko na lang, wala na sa dating tirahan nila sila Tiya Melba. Kung saan sila nakatira? Hindi ko alam at wala na akong pakialam. Tapos na ako sa buhay ko na bahagi sila, kaya't tinapos ko na. Si Jason naman, wala na akong balita. Parang bula na nawala, ganun din ang dalawang kong kaibigan na sina Ris at Emy. Ayaw ko mag overthink, kaya hinayaan ko na lang ang mga bagay-bagay. Ngayon ay kapapasok lang ni Gideon sa trabaho. Habang ako, nililigpit ang garland na ginamit ko kahapon. Nakangiti ako at masaya, dahil sa wakas! Nasa pangalawang hakbang na ako, na bahagi ng buhay ko, tapos na ako sa pag-aaral at pinagpa-planuhan na lang ang susunod na mangyayari. Sa maikling panahon, hindi ko akalain na mamahalin ko ng sobra si Gideon. Sa una ay plano

