Hindi namalayan ni Detective Leumas Nugas na naka-tulugan na niya ang pagiisip tungkol sa sketch ng isang lalaki na miyembro ng kilabot na Casanova, ngunit bunga ng kanyang marubdob na hangarin na muling alalahanin ang lahat ay tila sinagot siya ng isang panaginip na kung saan ay lumarawan sa kanya ang isang tagpo. " I'm so sorry Mr. Casablanca pero kailangan kong mamili sa inyong dalawa ni Allen, at nakapag desisyon na ako si Allen ang napili kong magiging katuwang ko sa pinaplano Kong buksan na private eye ". sincere na pahayag ng detective. " Sir Nugas why don't you think twice before you make a final decisions. Maaari mo akong subukan kung gugustuhin mo at marami akong kayang gawin na hindi kayang gawin ng isang babae na katulad ni Ms. Allen Mendoza. Hindi ko tinatawaran ang kakayah

