Dumiretso si Detective Nugas sa presinto kasama sina Allen at Freda. Nadatnan nila sa harap ng gate ng Makati Police Station 1 ang ilang mediamen at mga reporter at nagpupumilit na makapasok sa loob upang makakuha ng mga impormasyon na maaari nilang mai-broadcast sa kani-kaniyang estasyon na kinabibilangan. Nang makita ng mga reporter ang pangkat ng detective ay kanya kanyang strategy na ang kanilang ginawa para mapagbigyan Sila ng pagkakataon na makapag tanong. Ngunit hindi sila pinakinggan ng detective tuloy tuloy lamang ang tatlo sa paglalakad papasok sa loob kung saan naroon ang kanilang sadya. Nadatnan nila sa isang bahagi ng presinto si Chief inspector Dela Cruz. Mababakas sa mukha nito ang pagka bahala. Nang makita naman sila nito ay kaagad siyang lumapit sa kanila at saka niyaya sa

