Sa daan ay matamang naguusap sina ace 3 at ace 4 habang sakay ng isang kotseng laging ginagamit nina ace 2. " mukhang tama ang kutob natin dati ace 4 " sabi ni ace 3 sa nagmamanehong si ace 4.Patungo sa Makati avenue ang kanilang sinasakyan. " linawin mo nga ang sinasabi mo ace 3 hindi ako manghuhula eh " tugon ni ace4. " ang ibig kong sabihin ay ang tungkol kay boss at mukhang tama ang kutob natin dati pa na siya ay bata ng mga Mafia sa underworld na ang kadalasang negosyo ay sa mundo ng black market, although hindi ko rin naman alam ang kalakaran diyan dahil naririnig ko lang naman ang mga terminong iyan sa mga balita sa tv at sa internet. " may kahabaang paliwanag ni ace 3. " well, ganun nga siguro, kaya pala sa tuwing may kukunin tayong babae ay kailangang quality at presentable an

