MISTRESS FOR LEASE WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 35; #MFLbloodtype Napasugod ako ng Hospital ng tumawag sakin si Mrs.Torres na sinugod sa Hospital si Zab,wala ako kamalay malay na may sakit pala ang anak ko, masyado ako nagpapabaya sa kanya ng mga ilang araw ni hindi ko napuna na may dinaramdam itong sakit. Halos paliparin ko na ang sasakyan ko marating lang agad ang hospital kung saan sinugod si Zab,hindi ko naman matawagan si Steven Dahil nasa operating room ito kaya naman hindi nito sinasagot ang tawag kaya hindi alam nito naroon sa hospital ang anak niyang si Zab,umalis din kasi ito dahil may emergency rin itong ooperahan ngayon kaya di pa nito nalalaman na naroon din si Zab. Pagkarating sa hospital hindi na siya nag abala pa na iparada ang sasakyan niya sa sobrang taranta at nais

