MISTRESS FOR LEASE WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 13; #MFLtanggap Kahit hindi maganda ang nangyari sa kanila ni Rigel hindi parin siya tumigil sa pagtatrabaho dito kapag nabayaran na niya ang nasira niya ay saka pa lang siya aalis sa pagiging personal maid nito,dahil di niya ugali ang takas ang mga pinagkakautangan niya. Ngayon ay nasa tapat siya ng pintuan ng unit ng binata ,nagkukuli parin siya kung tutuloy siya o hindi pero mukha naman nasa trabaho na ito kaya naman napagpasyahan niya na tumuloy na upang maglinis at maaga siya matapos ng sa ganun di siya maabutan nito sa pag uwi galing trabaho. Napangiti siya ng hindi parin nito binabago ang passcode ng unit nito,bumuntong hininga muna siya bago tuluyan pumasok. Hindi niya malaman kung ano pa ang lilinisin niya nang makapasok siya

