CHAPTER TWO

1124 Words
THIRD PERSON: Ilang araw nang halos hindi lumalabas ng kwarto si Isabella. Nakatulala lamang siya sa kawalan, habang yakap ang isang unan at nakaupo sa gilid ng kama. Mabigat ang dibdib niya, tila ba hindi na siya makahinga sa dami ng iniisip. Biglang bumukas ang pinto, ni walang katok. "Hoy! Ano 'yan? Ganyan ka na lang? Magmumukmok ka na lang habambuhay?" Si Riley, mabilis na pumasok sa kwarto habang bitbit ang dalawang paper bag ng takeout. Kasunod niya si Jane, na agad namang naupo sa dulo ng kama. "Hulaan mo, Riley..." sabi ni Jane, sabay kindat kay Isabella. "Nahhh!" sabat agad ni Riley. "Nag-away na naman kayo ni Ethan, ‘no?" Napabuntong-hininga si Isabella at pinikit ang mga mata. Hindi na niya sinagot agad. Tahimik. Hanggang sa marahang bumigkas siya ng, "Hindi naman kami nag-away..." "Eh ano pala?" sabay na tanong ng dalawa, parehong nakakunot ang noo. Bumuntong-hininga muli si Isabella bago muling nagsalita. "May mabigat kaming problema." Nagkatinginan sina Jane at Riley, kapwa ramdam ang bigat sa tinig ng kaibigan. "Isabella… ano bang nangyayari?" malumanay na tanong ni Jane, inilapit pa ang sarili sa kanya. "Nalulugi ang kompanya namin," halos pabulong na sabi ni Isabella. "Ano?!" halos sabay na bulalas ng dalawa, sabay-sabay na napaupo sa kama. "Di ko alam kung paano nangyari. Akala ko kaya ni Ethan mamahala sa kompanya... akala ko okay ang lahat. Pero ang totoo pala, matagal na siyang may tinatago. Utang, mga nawawalang project, termination letters... at ngayon umaasa siya sa investors na hindi pa niya personal na nakakausap." "Wait—what?!" gulat ni Riley. "Bakit hindi siya nagsabi agad? Dapat noon pa lang humingi na siya ng tulong!" "Oo nga," sabay ng sang-ayon ni Jane. "Bakit hindi niya sinama ang board? O kahit man lang ikaw? Isa ka rin naman sa shareholders, ‘di ba?" Napayuko si Isabella, mariing pinipigilan ang luha. "Ayokong isipin na sinadya niya... pero bakit parang ako lang palagi ang huling nakakaalam ng lahat?" Tahimik ang dalawa. Sandaling katahimikan ang bumalot sa silid. Sa mata nina Jane at Riley, naroon ang pag-aalala—hindi lang dahil sa kompanya, kundi para sa kaibigan nilang unti-unting nauubos. "Isabella," sabay na sabi ni Jane at Riley, "Hindi mo kailangang harapin 'to nang mag-isa. Andito kami. Kahit anong mangyari, hindi ka namin iiwan." Napatingin si Isabella sa kanila. Sa gitna ng lungkot, isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Ang drama naman natin!" sabat ni Riley habang umiikot-ikot sa kwarto. "Tara, mag-party-party na lang tayo. Baka sakaling matauhan ka sa ingay at ilaw!" Parang may biglang nabuhayan ng dugo sa loob ng silid. Nagkatinginan sina Jane at Riley, sabay sabay na sumigaw, “Yowwwnnn!!! Tara na sa isang sikat na bar!” "Bar?" tanong ni Isabella, bahagyang kunot ang noo. "Oo ‘day! Mag-bar ka man!" sagot ni Jane na may halong Visayang accent. "Para maibsan man lang iyang kakaisip mo sa problema mo, ba!" "Tama!" sabay sabat ni Riley. “Tigilan mo muna 'yang lungkot-lungkotan na vibes. Let's revive your soul! Isang gabi lang ‘to. Kami ang bahala.” Napangiti si Isabella. Napailing nang marahan. Matagal-tagal na nga rin mula nang huli siyang pumunta sa bar kasama ang dalawa. Ilang beses na rin siyang niyaya ng mga ito, pero puro “next time” at “may aasikasuhin ako” lang ang laging sagot niya. Lagi na lang siyang may dahilan para umiwas. Pero ngayon... iba na. Kailangan niyang huminga. Kailangan niyang makalimot kahit sandali. "Sige na nga," tugon niya, sabay buntong-hininga ngunit may ngiting sumilay sa kanyang mga labi. "YEEES!!" sabay na sigaw nina Jane at Riley, halos magtalunan sa tuwa. “Don't worry, kami ang bahala sa’yo!” masayang sabi ni Riley, sabay akbay kay Isabella. "Oo, promise namin, no tears tonight! Puro sayaw, drinks, at chika lang. At kung papalarin..." sabay taas-kilay ni Jane, "...baka may masalubong pa tayong gwapo doon!" **** Kumakawala ang malalakas na beat mula sa loob ng sikat na bar sa siyudad. Sa labas pa lang, ramdam na ang enerhiya ng musika—isang halo ng electronic dance at classic R&B. Kumukutitap ang neon lights sa signage, at bawat pagbukas ng pinto ay may kasamang bugso ng ingay, liwanag, at tawanan. Pagpasok nina Isabella, Jane, at Riley, agad silang sinalubong ng makukulay na ilaw at nagsasayawang mga tao. Mabango ang hangin sa loob—halimuyak ng mamahaling pabango, alak, at usok ng fog machine. “Yoooww! This is it! Welcome to the world, Isabella!” sigaw ni Riley habang humahataw ng sayaw kahit hindi pa sila nakaupo. Natawa si Jane. “Kalma ka, girl! Maupo muna tayo—hindi pa umaabot ang cocktail!” Si Isabella, kahit may alinlangan pa, ay napangiti habang pinagmamasdan ang kasiyahan sa paligid. It felt surreal. Parang ibang mundo ang kinasadlakan niya ngayong gabi—malayo sa lungkot ng opisina, sa katahimikan ng kwarto, at sa bigat ng problemang iniwan niya sa bahay. Umupo sila sa isang high table malapit sa dance floor. Agad na dumating ang waiter, bitbit ang tatlong inumin. “Cosmo para sa may hugot,” biro ni Jane sabay abot ng baso kay Isabella. "Cheers muna tayo!” sigaw ni Riley, sabay taas ng baso. “Para sa bagong chapter ng buhay ni Isa!” Nagkatamaan ang mga baso sa gitna ng tawanan. Si Isabella ay bahagyang napapikit bago uminom, lasap ang malamig na timpla ng alak—masarap, matapang, at may bahid ng kalayaan. “Musta na? Medyo nabawasan ba ang bigat sa dibdib?” tanong ni Jane habang nakasandal sa upuan. “Konti,” sagot ni Isabella habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw. “Pero at least, ngayon lang ulit ako huminga.” “Hinga muna ngayon, bukas na ulit ang iyak,” sabat ni Riley, sabay tawa. Nagsimula nang tumugtog ang isa sa mga paboritong kanta ni Jane, kaya bigla siyang hinila si Riley patayo. “Tara! Let’s burn the dance floor!” "Isa, sama ka na!" yaya ni Riley. Umiling si Isabella, ngumiti. “Kayo na muna. Gusto ko lang munang umupo at magpahinga.” “Fineee! Pero kung may lumapit na pogi, entertain mo ha!” biro ni Jane bago sila nagtawanan at nagtungo sa gitna ng sayawan. Naiwan si Isabella sa mesa, tahimik na nakatingin sa crowd. Sa likod ng ingay at ilaw, muli niyang naramdaman ang lungkot na pilit niyang nilulunok kanina. Sinubukan niyang ngumiti, ngunit nanatiling mabigat ang dibdib. Nang biglang...Isang lalaki ang lumapit sa kanya. Matangkad, matikas ang tindig, at nakasuot ng itim na long sleeves na may bahagyang bukas sa leeg. Hindi niya makita agad ang mukha dahil sa liwanag mula sa likod ng lalaki—pero pamilyar ang presensya. “Excuse me, this seat taken?” malamig at kalmadong tanong ng lalaki, kasabay ng isang bahagyang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD