Manang Sabel found out about what happened between Marco and Beth. She insisted to make me stay at home. "Hindi kita pinalaking ganyan, Hijo!" saway niya kay Marco na ngayon nakaupo sa sofa at nakayuko samantalang ako ay nasa tabi ni Manang Sabel. "Manang Sabel, okay naman na po kami." Sinusubukan ko siyang pakalmahin. Alam kong anak na ang turing niya kay Marco kaya ganito na lang niya ito pagsabihan. "Huwag mong ipagtatanggol 'yan, Hija.. Pambihira pasalamat ka mabuting tao itong si Icelyn." Hinatak ako ni Manang Sabel papunta sa kusina matapos pagalitan si Marco samantalang tatawa-tawa ito noong nakatalikod na si Manang Sabel. Tinuturuan ako ni Manang Sabel na magluto ng isa sa paboritong pagkain ni Marco lalo na ang ginataang kuhol. Nag-init ang pisngi ko nang isipin ko

