โ„ญโ„Œ๐”„๐”“๐”—๐”ˆโ„œ 2: ๐Œ๐ž๐ž๐ญ ๐ฒ๐จ๐ฎ

1334 Words
"Itaas ang kamay!" Natigil ang aking kamao sa kalagitnaan ng iri at napangisi naman si Wilson kahit namamaga na ang kanyang kaliwang mukha kakasuntok ko. Bahagyang napalingon sa likuran at doon kita ko ang mga pulis. Binitawan ko si Wilson at tinaas ang aking mga kamay. Agad kaming pinusasan sa kamay ng mga pulis at tinulak pa lakad. Tiningnan ko si Wilson, ngumisi lang ito na para bang wala lang sakanya ang nangyayari saamin ngayon. Tingnan natin kung makakangisi ka pa. Pinatid ko ang paa ni Wilson at saktong tumama sa sahig ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilang hindi matawa ng malakas. "Eheem..." Tikhim sabay tinigil ko ang aking pagtawa nang mapansin tumingin lahat ng emplayado saakin pati mga pulis naagaw ko ang atensyon. Pagkarating sa labas dinadagsa agad kami ng mga reporter at mga citizen kanya-kanyang kuha ng video. Pilit namang hinahawi sila ng mga pulis hanggang sa matiwasay kami naka sakay sa sasakyan. "Pahingi naman ng candy nakakasuka ang aircon n'yo." Reklamong turan ni Wilson. "Walang libreng candy sa criminal na tulad mo." Nangiinsultong ani ng pulis. "Gano'n ba? Bili moโ€” aahh!" Tinapakan ko ang paa ni Wilson kasi ang ingay n'ya. Tahimik na ang byahe hanggang nakarating kami sa aming destinasyon. Pagkapasok sa police station dinala agad kami sa interrogation room. Bumungad saamin ang isang babaeng maikli ang buhok habang naka poker face. "Ang ganda n'ya young master." Bulong ni Wilson saaking tenga. "You better shut up." Mariin kong bulong pabalik. "Take a seat." Inunahan ko nang umupo si Wilson dahil Isa lang naka latag na upuan. Walang nagawa si Wilson umupo Ito sa lamesa at nginitian ang babaeng kaharap namin. "I'd like to introduce myself, I'm the head chief Shane Fedeliz." Pagpakilala nito sa sarili. "Ano ang ginagawa n'yong dalawa sa crime scene?" Panimulang tanong ni Fedeliz. Ang kanyang tingin nakatuon saakin at para bang sinusuri pati aking kaluluwa. "Nagsuntukan/Naglalaro." Sabay naming sagot ni Wilson. "Sino sainyong dalawa ang pumatay sa biktima?" Seryusong tanong ni Fedeliz. "Ewan, Wala kaming alam." Kalmadong tugon ni Wilson. "Ano motibo n'yo at naisipan n'yo patayin ang biktima?" Tanong muli ni Fedeliz. "Wala nga kaming alam." "Muli sino pumatay sa biktima?" Patuloy na pagtatanong ni Fedeliz at hindi pinansin ang mga naging sagot ni Wilson. "Malamang ang baril." Pilosopong tugon nito at tumawa pa ng mahina. "Alam n'yo naman sigurado labag sa batas ang pagpatay?" Kalmadong tanong ni Fedeliz pero mahahalata mo sa mukha n'ya naaasar na s'ya kay Wilson. Hindi ko mapigilang matawa saaking isipan dahil sa ugali talaga ni Wilson ang mambwesit. "Alam... Pero sa pamamaraan ng pagtatanong mo sigurado kabang kami nga 'yong pumatay?." Saad ni Wilson sa seryusong tuno. "Walang ibang tao bukod sainyong dalawa." Madiing turan ni Fedeliz. "Kahit saang angulo tingnan kayong dalawa ang primary suspectโ€”" "Tama ka chief sila lang dalawa pero ayon sa report merong hawak na baril ang patay at walang ibang finger prints sakanya lang." Sabat ng Isa sa mga pulis na may hawak na baril naka silid sa plastic. "Isa pa chief dalawang beses pumutok itong baril at 'yong isang tira nasa dingding kung saan malapit 'yang dalawa noong inaresto namin." Turo nito saamin. "Alam ko 'di suicide ang kasong ito. Burado ang footage ng CCTV ang dahilan ng companya nagloko daw sandali ang kanilang system. Halata namang meron silang pinagtatakpan." Salaysay ng Isa sa mga pulis sabay tingin sa gawi naming mapanuri. Nagulat kami lahat nang biglang tumayo si Fedeliz at kwenilyuhan n'ya si Wilson. "Alam ko Ikaw ang pumatay. Kanina ko pa napapansin stretch mark sa kamay mo halatang lagi kang humahawak ng baril." Bintang saad ni Fedeliz. "Syempre meron akong ganyan! Butler ako ng isang mayamang pamilya dapat marunong akong humawak ng baril." Pangangatwiran ni Wilson. "Sa sinabi mong yan malaking posibilidad ikaw nga ang pumatay kasi alam namin amo mo yang kasama mo." Tukoy ni Fedeliz saakin. Masamang naka tingin saakin si Fedeliz at napangiwi na si Wilson dahil humigpit na ang pagkakasakal sakanya. Nginitian ko lang silang dalawa at kalmado lang naka upo. "Bitaw! Oo na aamin naako sino nga pumatay." Sukong usal ni Wilson. Binitawan naman s'ya ni Fedeliz sabay napangiting tagumapay. "Ang pumatay ay...." Pa suspense putol ni Wilson sabay nguso pa kay Fedeliz. "Iyong Ina." Mapanglarong sambit ni Wilson at tinatawanan n'ya ang reaction ni Fedeliz dahil sasabog na ito sa galit. Agad inawat si Fedeliz sa mga kapwa n'ya pulis nang balak n'ya ng tuluyan si Wilson. Kung nagkataon hindi 'yon naawat may chance mamatay si Wilson dahil pareho kaming naka handcuffs ang mga kamay sa likod. Kaya walang makakapigil kay Fedeliz sakanyang pananakal. "Abay bakit ka galit? Rights ko naman hindi magsalita laban saakin o saamin, buti nga may nakuha kapang sagot." Bulalas ni Wilson sabay tayo at nagtago saaking likuran. "Deserve." Mapang asar kong usal kay Wilson. "Blaaggโ€”" Marahas ang pagkabukas ng pinto sabay kaming napatingin lahat doon at niluwa ang nakakatanda kong kapatid. Nagtataka akong huminto ito saaking harapan sabay sampal nito sa kanan kong pisngi. Napapansin ko lang lagi yata ako nakakatanggap ng sampal ngayong araw. Hindi pa s'ya tapos sasampalin n'ya pa sana ako muli nang inunahan ko na s'yang sipain palayo saakin. "Isa kang kahihiyan!" Galit nitong sigaw habang namimilipit sa sakit. Ngumiti lang ako at inutos sa mga pulis palabasin s'ya sabay tanggi hindi ko s'ya kilala. Pinalabas na s'ya pero ayaw nito lumabas nagsisigaw ito kaya wala nagawa ang mga pulis kung hindi kaladkarin s'ya palabas. "Walang modo!" Huling sigaw ni Coleen. Katahimikan ang namamayani saamin matapos ang insidente. Walang gusto magsalita pabaling-baling lang kami ng tingin at naghihintay sino mauna magsalita. "Dahil maraming hindi inaasahang pangyayari mamaya o bukas nalang siguro natin ipagpatuloy ang pagkilatis." Saad ng Isa sa mga pulis. Sinang ayonan ng iba kaya napag pasyahan na ihatid nalang kami ni Wilson saaming selda since galit parin si Fedeliz. Humiga ako sa nag iisang kama dito sa bilanggoan at inaamin kong matigas s'ya at hindi komportable. Kakasimula ko lang sa buhay matanda agad bumungad ang kamalasan. Nag 18 ako noong nakaraang buwan September 30 at sa araw din iyon pumanaw aking ama. Hindi ko lubos maisโ€” "Young master ayaw ko humiga sa sahig kaya tabi tayo." Hindi ko mapigilang mainis ng tumabi nga saakin si Wilson. Agad ko s'yang tinulak kaya nahulog Ito sa sahig. "Hindi lang kita amo kanina pa kita binabatukan." Reklamong bulong ni Wilson na sapat lang marinig ko. "Ano sabi mo?" Ngiti kong tanong at nagbinat ng kamay. Lumayo saakin si Wilson at takot n'ya akong tinitingnan. Agad din s'yang napabalik at hinahawakan ako sa balikat sabay tago saaking likuran nang kumalabog ng malakas ang metal door. Hindi namin masisilip o makikita ang nasa labas kasi nilagay kami sa special type A na kulungan na tanging isang bintana lang sa gilid ang meron. Kumalabog ulit ng malakas tipong sisirain na ang pintoan. Nagkatinginan kami ni Wilson at sabay kaming tumango. Dahan-dahan kaming lumapit sa pintoan at naghihintay sa magkabilang gilid dahil uupakan namin kung sino man yang nangugulo. "Sinong baliw yan?" Tanong ko. Hinintay kong sumagot pero dumaan nalang ang ilang minuto wala akong nakuhang sagot. Nag uunahan kaming tumakbo ni Wilson palayo sa pintuan nang merong kamay na matutulis ang kuku lumusot doon. Hindi makapaniwala kaming nakatitig na merong ulit lumusot na kamay at sinira ang padlock at ang door knob. "Ipina sa diyos ko na ang makakasalanan kong kaluluwa." Mala ritual tunong ani ni Wilson at pumikit pa s'ya. Hindi ako makapag isip ng tamang gagawin, bukod sa isa lang ang labasan tanging ang pintuan lang. Malabong maka puslit kami sa bintana gawa yan sa rehas. "Ayan na s'ya." Usal ni Wilson. Bumungad ang isang taong balot ang katawan sa maitim na kapa. Tinago agad ako ni Wilson sakanyang likuran nang bahagyang naglakad papalapit saamin 'yong mysteryusong tao. "Ano ang 'yong kailangan?" Lakas loob kong tanong. Napahinto Ito sa paghakbang. "Ikaw ang aking kailangan." Nadulas ang talukbong sakanyang ulo at pareho kaming nagulat ni Wilson noong masilayan na namin ang kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD