Kabanata 40 Nathalie Grace Sarmiento Hindi mawala sa isipan ni Nathali ang sinabi ni Nicolai sa kan'ya. Buntis ito at si Isaac ang ama. Halos paulit-ulit iyon nag-p-play sa kan'yang utak. Kinagat niya ang labi saka napahinga ng malalim. Naroon siya sa bintana nakatanaw sa malaking buwan sa harap niya. Gabi na at wala pa rin ang asawa niya. Huminga siya ng malalim, matutulog na naman siyang bigo. Simula noong binigyan siya nito ng sulat ay halos araw-araw na niyang hinihintay ang lalaki. Nasasanay na rin siyang tingnan ang napakagandanh buwan at kalangitan hanggang sa lukuban siya ng antok. Napahangos siya ng malalim at doon nanuot sa ilong niya ang isang pamilyar na amoy. Napalingon siya agad sa likod at nakita si Isaac na nakatayo't may hawak-hawa na isang boquet ng flowers sa kama

