Ilang beses na tinitigan ni Nathalie ang cellphone niya’t napakagat ng labi. Naka-ilang missed call na kasi si Isaac sa kan’ya at ni isa ay hindi man lang niya sinasagot. Ayaw niyang itong sagutin dahil sobrang nahihiya siya, ni hindi pa nga siya handa na makausap o makita ito kahit na gusto niyang maulit muli ang nangyari sa kanila kahapon. Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa mansion, pinagbuksan siya ng pinto ni Manong Julian, isa sa driver ni Isaac. “Maraming salamat sa pagsama, Manong,” nakangiting sabi niya at agad na lumabas ng kotse. “Walang anuman hija, basta’t kahilingan ng asawa ng boss ko ay susundin ko.” Mabait si Manong Julian, ilang taon ding nanilbihan ito sa mga Vasquez bilang driver, nalaman niya iyon noong nasa byahe siya. May pagkadaldal din kasi ang matanda

