Kabanata 31 Someone’s POV “Iyong pinapagawa ko sa’yo, huwag mong kakalimutan, ah! Ito na ang last mission mo. Pangako,kapag natapos mo ito, magpapakalayo-layo na tayo.” “Talaga bang last na ito? Mahirap ang ipapagawa mo sa akin, Nicolai. Hindi ko ata kaya ang ipapagawa mo sa akin, naging mabait si Isaac sa akin pati na ang asawa niya,” nahihirapang sagot niya sa kabilang linya. “Oo, last na ito. Promise! Sige na, Babe, gusto ko lang naman makaganti sa lahat ng ginawa ni Isaac noon, alam mo kung paano ako nilait ng ama nito, ‘di ba? Na-kwento ko naman iyon sa’yo?” Napabuntong-hininga siya saka tumango. “S-Sige para sa’yo, gagawin ko. I love you, Babe!” “I love you too, Babe!” Agad na pinatay ni Nicolai ang tawag kaya napakagat siya ng labi. Hindi niya akalaing may mas mabigat pa

