"Suspect" *** [Dimples'POV] Tanaw ko ang papalayong sasakyan na lulan ni Kairo. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang kaniyang mga sinabi. Hindi talaga ako makapaniwalang gusto niya rin ako. Gusto kong matuwa pero sa tuwing naaalala ko ang relasyon ni mama sa daddy ni Kai, napapalitan ng lungkot at pag-aalala ang saya sa puso ko. Binaybay ko ang tahimik na kalsada patungo sa bahay namin. Ilang metro pa ang layo ng bahay mula sa binabaan ko. Sinadya ko talaga ito dahil ayokong makita ni Kai ang dad niya sa bahay namin at malaman na kabit nito ang mama ko. Ano'ng oras na kaya? Nakaramdam na rin ako ng antok. Mula sa bakod ay tanaw ko ang simpleng bungalow house namin na kinulayan ng yellow amber, with cream colored siding. Ang bubong ay kulay kahil at katerno n'on ang aming ma

