I accidentally duplicated chapter 3. Please skip this chapter. Hindi ko mabura dahil naka contract na.
Nakaupo na ako ngayon sa stool na pinagitnaan ni Kairo at ng isa pang gwapong lalaki. Kandong ko ang isang pumpong ng mga rosas na nakabalot sa eleganteng wrapper at nakadesinyo sa hugis puso. Nakasabit sa isang tangkay ang key chain. Isang maliit na bolang crystal. Sa loob nito ang nililok na maliit na Sakura tree at may uumuulan pa kunwaring snow sa loob.
Kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sa baba ng stage. Lahat sila ay nakatitig sa akin. May ilan na natutuwa para sa akin, meron ding napapaismid, halatang naiinggit.
Nag-iinit ang mukha ko sa hiya at kaba.
Sanay akong masalang sa mga contest sa school at sa academic competition pero iba ito ngayon. Ibang pagsasalang ito. Hindi ko kinaya ang tensyon.
In-introduce ko muna ang sarili ko pagkatapos ay isa-isa naman silang nagpakilala.
"I'm Kai, the lead vocalist. Siya naman si Renzi," turo niya pa sa lalaking nakatayo sa kaliwa ko.
Tumingala ako kay Renzi.
"He's our rhythm guitarist at ang aking backing vocalist," dagdag ni Kai. Wala namang pakialam iyong isa na abala sa pagkalikot ng hawak nitong gitara.
Renzi...
'Medyo hawig niya si Mark Feehily ng Westlife noong kabataan! Those languid eyes and deep dimple on both cheeks...
Bukod sa mata at dimples niya, kapansin-pansin din ang kaniyang mapupulang buong labi na laging nakabusangot. Hindi yata alam kung paano ngumiti.
"Ako naman si Shunjiro." Nabaling ang pansin ko kay Shunjiro. "I'm the bass guitarist at backing vocalist din."
Nagpalitan kami ng ngiti. Magaan na agad ang loob ko sa isang ito kahit pa medyo may pagkamanyak ang mga mata. Pero mukha naman siyang mabait.
"And I'm Hiro, my sweet baby. Drummer," nakangiti namang wika ng isa pang matangkad na tsinito rin saka ito nagpalipad ng halik sa hangin sa akin.
Hiro... So siya pala ang crush ni Suzette. Gwapo rin. Kaya pala nadale ang kaibigan ko. 'Yong ngiti kasi nito ay parang nang-aakit. Mukha nga lang hindi mapagkakatiwalaan pagdating sa babae. Naku, huwag naman sanang mainlab sa kaniya ang kaibigan ko.
"At ako si Mark, keyboardist," pakilala rin ng isa pang matangkad na tisoy. Maamo naman ang mukha nito at malaanghel ang ngiti. Hindi ko alam kung naka-contact lense ito. Green kasi ang mga mata nito at ang ganda titigan! Bagay sa makakapal at tuwid na pilik-mata nito.
Mabantot lang talaga ang pangalan ng kanilang grupo pero sobrang yummy at ang babango ng mga myembro! Mas matindi pa nga ang dating nila kaysa sa mga teenagers na artista, eh!
Nagulat pa ako nang biglang paluin ng drummer nila ang cymbal. Kasunod no'n ang pagtugtog ng kani-kanilang bitbit na instrument.
"This song is for our lucky girl."
Truly madly deeply by: savage garden
One of my favorite songs.
[...I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy
I'll be your hope, I'll be your love, be everything that you need...]
Nakagat ko ang labi dahil sa kilig. Paminsan-minsan pa nagtatama ang paningin namin ni Kai sa tuwing sinusulyapan niya ako.
Ang sarap niya tingnan habang kumakanta. Lalo kang maiinlab sa galing niya.
Nagpatuloy ang magandang awit at para naman akong nakalimot bigla dahil sa kilig. Tinangay yata ang kaluluwa ko patungo sa alapaap. Natapos na ang kanta ay naglalayag pa rin ang diwa ko hanggang sa may biglang sumigaw.
"KISS..! KIIIISSS!"
Nagsigawan na ang mga audience.
Nanindig ang balahibo ko. Kinakabahan na naman ako!
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagyuko ni Kai para siguro halikan ako.
Kaagad akong humarap sa kaniya para pigilan siya nang biglang...
Oh no!
Wrong move!
Nabitiwan ko ang bouquet ng bulaklak dahil sa gulat.
Sa mga labi ko kasi nag-landing ang halik niya!
Sheyt!
It's my first kiss! And Kairo was my first kiss!
Nanghina ako bigla dahil sa aksidenteng halikan namin. Parang hinihigop ni Kai ang lakas ko kaya wala sa sarili akong napasandal. Nakalimutan kong wala palang sandalan ang stool na inuupuan ko. Muntik na akong mahulog at matihaya pero napigilan ni Kai na mangyari iyon. Hinapit niya ang likod ko sabay diin ng malalambot niyang mga labi sa akin. Naramdaman ko pa ang pagbuga ng mainit at amoy mint mouthwash niyang hininga nang bahagya niyang ibuka ang kaniyang bibig at nagsimulang gumalaw na para bang nilalasap ang mga labi ko.
Mula sa pagkagulat ay unti-unti na rin akong napapikit. Para kasi akong nalasing sa matamis niyang halik.
Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay solo namin ang mundo. Hanggang sa marinig ko ang sigawan ng mga tao sa baba.
"Hoy Dimples! Sa cheeks lang dapat!"
"Oo nga! Pot****na mo bakit sa lips?! Waaah!"
Sheyt! Nakalimutan ko saglit. May nanonood pala!
Tinulak ko si Kai ngunit hinapit naman niya ako saka siya bumulong sa tainga ko.
"How old are you, Dimples?"
Napalunok pa muna ako bago sumagot, "S-sixteen."
"When you reached eighteen, aasawahin kita."