Matapos ang pananghalian ay nakita kong umalis si Mr. Nagamori lulan ng kaniyang kotse. Kaagad kong nilapitan si mama na abala sa pagtutupi ng mga damit. "Ma, saan pupunta si Mr. Nagamori?" "Sa Quezon, anak." Sa Quezon? Ano'ng gagawin niya roon? Babalik na ba siya sa pamilya niya? "Bakit?" tanong ko kay mama at umupo sa tabi niya para tulungan siya sa pagtutupi. "Kailangan niya raw kasing makausap ang anak niya." Natigilan ako at biglang kinabahan. "K-Kakausapin niya? B-bakit daw?" Tumigil si mama sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin. "Mukhang may kalokohan daw kasi itong ginagawa." Ano naman kaya 'yon? Iwinaglit ko ito sa isipan at muling bumalik sa totoo kong sadya kay mama. "Ahm, ma. Umalis ho ba kahapon si Mr. Nagamori?" "Hindi, anak." Muli siyang humarap sa akin at ng

