[Dimples' POV] Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. "Mama!" Ramdam ko ang bigat sa dibdib hanggang sa paggising. Kaagad kong pinahid ang nangilid na luha at inalala ko ang tila makatotohanang pangyayari sa panaginip ko. Iniwan na ako ni mama! Nagpakalayu-layo na siya kasama ang lalaking minamahal niya sakay ng napakalaking barko sa gitna ng malawak at malalim na karagatan. Gusto ko siyang habulin pero sa tuwing lulusong ako sa dagat ay may kung ano'ng pwersa ang humihigop sa akin patungo sa kinailaliman. Hindi ako makatawid! Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak, sumigaw at magmakaawa na balikan niya ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Tuluyan na niya akong ibinalewala! "It's fine, Dim. Panaginip lang iyon," pangungumbinsi ko sa sarili. Hindi pa huli a

