"BWAHAHAHA! Tumakbo 'yong babae. Natakot sa itsura mo, Renzi!" Mula sa shelf ay rinig ko ang mapang asar na boses ni Hiro. Papasok na sila sa loob ng store. "Tss. Sa gwapo kong 'to?" seryosong sagot ni Renzi na ibinulsa ang key chain. "Woah! Ang hangin, bra! Palibhasa kulang ng cells sa katawan kaya nagka-dimples!" asar na sagot ni Hiro. Tawanan naman sina Kai. Mukhang hindi nga niya ako nakilala. Buti naman. Pero hindi pa rin nawala ang kabog sa dibdib ko Lalo na nang makita kong palapit si Renzi sa direksyon ko. Mabilis akong humarap sa mga libro at nagkunwaring pumipili. "Excuse me." Nanigas ang likod ko nang maramdaman ang presensya niya. Dahan-dahan akong lumingon habang nakayuko. "Y-yes?" "You dropped this," wika niya sabay abot ng key chain. "Oh! T-thank you!" wika ko

