[Dimples'POV] "Sino kayo?! Ano ba talaga ang kailangan niyo sa amin?! Saan niyo ba kami dadalhin? Mga walang hiya kayo! Ano bang kasalanan namin para dukutin niyo kami at saktan ang kaibigan ko?! Mahirap lang po kami! Wala kayong mahihitang pera sa amin! Ni singkong butas!" "Hindi ka ba talaga tatahimik diyan?!" Natigilan ako nang marinig ang mabagsik na boses na iyon. "Ka ganda mong babae pero mas maingay ka pa sa serena ng ambulansiya! Mamili ka! Saan mo gustong dalhin? Sa hospital o sa sementeryo?!" nanggagalaiti na sigaw nito "Ang ingay-ingay mo! Kapag ako 'di nakapagtimpi diyan sa bunganga mo, isusubo ko talaga sa 'yo itong sandata ko!" dagdag nito saka tumawa nang malakas kasabay ng mga kasamahan nito. Ano'ng sandata kaya ang tinutukoy niya? 'Yon ba 'yong ice pick na itinutok n

