“Una ka nang umakyat sa kwarto natin.” Napalingon siya sa nobyo na ngayon ay nakatayo lang sa sahig at mistulang walang balak na samahan siya sa pag-akyat sa itaas. “Bakit?” “May gagawin lang ako saglit sa opisina. Susunod na rin ako.” “Okay.” Hinagkan siya ni Rafael sa labi at pagkatapos ay inantabayanang makaakyat ng staircase. Para lang itong naghahatid ng nililigawan pauwi sa bahay. “’Yong kamay ko po.” Natatawa nitong binitiwan ang kamay niya at animo yumukod pa sa paanan niya bago tumalikod. Matagal sila sa labas. Naiinitan masyado ang pakiramdam niya kaya, una niyang inatupag ang paliligo. Halos isang oras din siyang nagbabad sa banyo. Masyadong matagal. Lahat na yata ng libag sa katawan niya ay natanggal sa pakiramdam niya. Dapat lang na laging malinis. Ewan niya, nakikiliti

