The night faded away, and morning broke in her eyes. Kagabi lang ay muli niyang isinuko ang lahat-lahat kay Rafael. Halos magdamag siya nitong inangkin. Mali, inangkin nila ang isa’t-isa. Nagsisisi ba siya? Hindi. Maliban na lang sa kaunting pag-aalinlangan. But even a tiny glimmer of doubt ay kinailangan niyang ipinid sa kasuluk-sulukang bahagi ng kanyang puso. Binigyan nila ng second chance ang isa’t-isa kaya, ang gagawin niya na lang ay hahakbang ng pasulong, silang dalawa ni Rafael. There’s no turning back anymore. Nilingon niya si Rafael. Mahimbing pa rin itong natutulog. Ilang sandal rin niyang pinagmasdan ang gwapo nitong mukha bago nagdesisyong bumangon. Hinay-hinay lang ang ginawa niyang pagkilos habang kipkip ang kumot sa katawan. She was still sore. Pitong taon na rin kasi no

