“Darating ‘yon.” Si Manang na naliliyo na sa kanya na paroo’t-parito sa sala. “Masyado ho yatang ginagabi, Manang.” Kumain na siya at lahat at nakapaglpalit na ng pantulog ay wala pa rin si Rafael. “Lagi namang ginagabi si Sir. Mabuti nga ngayong nandito ka at sinikap na magpirme sa bahay at umuwi ng maaga kahit ayaw mo namang makita siyang nadidito sa bahay noong mga unang araw.” Ang dami niyang gustong itanong kay Manang pero nakakahiyaan niyang gawin. Baka akalain ni Rafael na nag-i-spy siya. Isa pa, dapat i-prove ni Rafael na worth it ito sa second chance na ibinibigay niya rito. Nang may humintong sasakyan sa gate ay patakbo siyang tumungo sa pintuan. Lihim siyang nadisappoint nang si Annie imbes na si Rafael ang dumating. “Sumakay ka na at may pupuntahan tayo.” Nakangiting bu

