"Di ka ba papasok?" Nahinto ang palakad-lakad ni Rafael sa hallway nang makita ang paglabas ni Lawrence sa private room na kinaroroonan ng mag-ina niya. Dalawang araw na siyang ganito. Nasa ospital siya palagi pero hanggang sa labas lang siya ng silid nito. Umuurong ang bayag niya. Mamaya, ipagtabuyan siya ni Tessa. O, ‘di kaya ay mabinat ito kapagka nagagalit ‘pag nakita siya. "Kumusta na siya?" "They are both fine. Your son really looks like you." "T-talaga?" Natawa si Lawrence sa inasal niya. "My! My! Si Rafael, natotorpe pagdating kay Contessa. Pumasok ka na kaya. ‘Di iyong hanggang sa nursery lang nakikinood sa anak mo." "Baka magwala kapag nakita niyang pagmumukha ko." Hinagis nga nito ang bulaklak sa kalsada. Sinadya niya iyong iwan sa ibabaw ng mesa sa kusina dahil yon ang u

