“Sure kang uuwi ka na sa inyo? In that state?” tanong ni Paris kay Reikka nang makalabas kami ng club, pagewang-gewang na kasi ito. Hindi ko alam na ganito siya ka-broken, sa aming apatㅡsiya ang pinakamalakas uminom but look at her, wasted na wasted siya. “I’ll take her home.” lahat kami ay napalingon sa boses na iyon. It was Caien, Reikka’s friend. “It’s okay, I can take her home.” ani Allen, dahilan para biglang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Wait, what’s happening? Hindi maiwasang magpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. “Do you know where she lives?” tanong ni Caien nang hawakan nito ang balikat ni Reikka at hatakin papunta sa kanya. Dahil doon ay nawala siya sa pagkakaalalay ni Allen. Ooh, am I watching a K-drama? Hindi ko alam pero nag-e-enjoy sa napapanuod ko ngayon.

