“Lutang ‘yan?” tanong ni Reikka matapos niyang agawin ang frappe ko na nakapatong sa mesa bago siya maupo sa harapan ko at inumin iyon na para bang kanya ‘yon, na para bang siya ang um-order at nagbayad doon. Thanks to her, nawala ang gumugulo sa isip ko nitong mga nakaraang arawㅡsa sudden proposal ni Rio to be specific. “Ugh! Hindi ko pa nga naiinom, uubusin mo na!” reklamo ko but she just blew a flying kiss towards me. Sinalo ko iyon at itinapon sa ere kaya naman napahawak siya dibdib na akala mo’y nasaktan siya sa ginawa kong ‘yon. “You’re so cruel.” nagkunwari siyang umiyak at napailing na lamang ako. She’s so childish, minsan talaga ay paiba-iba siya ng personality but I still like her. She’s the clown of our group after all. “Oh, palibhasa nahimasmasan na kaya back to normal na na

