“Have you gone insane?” tanong ko nang pilit akong kumalas sa halik ni Quatro at lumingon sa likuran ko para lang makasiguradong hindi biglang babalik si Rio. Nang maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Quatro sa baywang ko ay binalik ako ang tingin sa kanya. “Maybe.” pilyo niyang sabi bago ako bitawan at maupong muli ng parang wala lang. Napabuntong hininga na lang din ako bago bumalik sa inuupuan at lingunin siya. Pinapaikot-ikot niya ang bar stool kung saan siya nakaupo habang nakatingin sa kisame, tila mayroong iniisip. “May problema ba?” tanong ko, dahilan para huminto siya sa pag-ikot. He took a quick glance at me and shook his head. “Wala.” “Are you sure?” tumayo ako at nilapitan siya. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang hawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Halatang n

