“Tamara? What’s wrong?” mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumayo nang marinig ang boses ni Quatro. “Oh, pinulot ko lang ‘yong libro. Nahulog kasi.” rason ko bago ibalik ang libro sa bookshelf. Hindi ko namalayang hawak ko pa pala iyon. “Why are you crying?” hinawakan niya ang balikat ko at marahan akong inikot nang sa gano’n ay mapaharap ako sa kanya. Agad akong yumuko dahil doon, I don’t want him to see me crying. Not in this state, I really look pathetic. “Did something happen?” malambing niyang tanong bago hawakan ang baba ko para mai-angat ang tingin sa kanya. “Come on, look at me.” Nang magtama ang paningin namin ay naramdaman kong nangilid na naman ang luha ko. I want to restrain myself from crying but I can’t do it. Lalo lang nag-pile up ang mga problema koㅡpati parents ko a

