Warning: This chapter contain matured scenes. If you're uncomfortable, skip. ? Kabanata 22: MALAKAS na tumama ang palad ni Ate Aryan sa aking kanan pisngi, lumagapak iyon at halos matumba ako sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Nanginginig ang kanyang kamay habang matalim ang tingin sa akin. Hindi ako makapaniwalang napalingon sa kanya, wala akong makitang pagsisisi sa kanyang mukha. Ang taong iniisip kong pagtatanggol sa akin, ang tao rin nananakit sa akin. "Huwag kang makielam Alice! Ilang beses kong sinasabi sa'yo labas ka issue na 'to! Anong karapatan mo pakielaman ha?!" sigaw niya. Nangingilid ang luha ko pero mabilis ko iyon pinunasan, natatakot na kapag tuluyan tumulo ang luha ko ay hindi na iyon titigil. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ni Ate? Tama nam

