Kabanata 20: Laglag ang panga ko sa sinabi ni Alas, para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla akong natauhan. Sinampal ng kagagahan ko. Kaagad akong umalis sa ibabaw niya, Alas tried to catch my waist but I push his shoulder away. "Alice!" he groaned. Napangiwi ako dahil sa tono niya, na parang nasaktan ko siya. Bumuga ako ng hangin saka nameywang, sinubukan kong paypayan ang aking sarili gamit ang kamay. Ano bang ginagawa ko? I just realize my feeling, wala pa nga atang sampong minuto ang nakakaraan, then I'll give in that fast? Alice, hold yourself, woman. Naguguluhan akong tiningnan ni Alas habang nakapameywang ako sa gilid ng kama, kumunot ang kanyang noo sandali at ang naguguluhan niyang mukha ay napalitan ng pagkabahala. Itinaas niya ang kamay bilang pagsuko. "Sorry,

