WAKAS PART 2 Gano'n nga ata kalupit ang tadhana sa akin dahil ang inakala kong simula namin ay siya palang wakas. Nang pumunta kami sa Palawan ay masaya pa ako dahil sa wakas ay matatapos na siya, masaya ako para sa kanya at masaya akong kasama niya ako sa laban na 'yon. Pero gano'n nga ata talaga ang buhay, hindi lahat ay masaya dahil sandali pa lang sa akin si Alice ay babawiin na. "Ano?!" I blurted out when D and Alyana told me the news. Nasa isang kwarto kami malapit lang sa cabin namin ni Alice. Hindi ko alam na sumunod si D at may kasama pa siyang kamukang-kamuka ni Alice. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa dami ng impormasyon na sinasabi nila. Napaupo ako sa isang sofa roon habang sapo-sapo ang aking ulo. Tangina. D told me about Rohan. He's a traitor, kaya pala naging ab

